Sunday, May 08, 2005

SA AKING MGA KABABATA

Ang tulang ito ay isinulat ni Rizal noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Lahat kaming kasapi sa grupong ito ay nagulat sapagkat sa napaka murang edad, nakagawa siya ng ganito kabigat na tula. Masasabing sa ganitong edad, namulat na si RIzal sa kung anong nangyayari sa kanyang paligid.

Ang kapansin pansing hambingan sa tulang ito ay ang paggamit ni RIzal ng ibon sa kalayaan. Kung ang ibon nga naman ay ikinulong, gugustuhin nitong lumaya dahil noon ito ay malaya, tulad ng bayan na dating malaya na noong panahong iyon ay kinocontrol ng mga dayuhan.

Mapapansin din na sinasabi ni Rizal na ang wikang Tagalog ay kapantay din ng iba’t ibang wika. Dahil ito ay ibinigay sa atin ng Diyos, tulad ng sinabi niya na ang lahat ng tao at bagay ay magkakapantay dahil ito ay ginawa ng Diyos. At dahil ginawa ito ng DIyos na malaya, dapat ito ay Malaya at walng sinuman ang may karapatang maghari o mag ankin nito kundi Diyos lamang.

Sa ganito ding edad, makikita na ang pagmamahal ni Rizal sa bayan, sa pag-sabi pa lamang na “Ang hindi magmahal sa kanyang salita, mahigit sa hayop at malansang isda,” sa murang edad niyang ito, eh nandoon na ang pagigng makabayan niya.

5 Comments:

Blogger jeyjey said...

pagpatuloy nyo ang maganda nyong gawain dahil dito makikita ang pagmamahal at pagpapahalaga nyo sa ating bayani at pati na rin sa lahat ng nagawa nya para sa ating bansa

5:22 AM  
Blogger edward said...

tamah!i agree

4:37 AM  
Blogger edward said...

tamah!i agree

4:37 AM  
Anonymous Anonymous said...

a lot help
tnxtnx
btw

4:27 AM  
Blogger Hannah Klaire T. Esmero said...

Lol

2:52 PM  

Post a Comment

<< Home