Sunday, May 08, 2005

MI ULTIMO ADIOS

Inilarawan ni Rizal sa tulang "Mi Ultimo Adios" ang kanyang
pagpapahalaga sa
Inang Bayan, sa mga mamamayan, sa mga ingat yaman, at sa mga kultura
nito.
Ipinakita nya ang kanyang pagmamahal dito sa kaniyang mga huling
sandali.
Marahil ay binalikan nya ang mga ala ala ng kanyang pagkabata hanggang
sa
pagkamulat tungo sa paghangad ng isang perpektong konsepto ng isang
bayan. Sa
kanyang pagbabalik tanaw nakita nya kung ano ang naging silbi nya
bilang taong
pinagkalooban ng Diyos ng buhay, at ng isang magaling na utak. At
nainilarawan
nya kung paano nya minithiing balang araw ay makikita nya ang bayan
nyang
malaya at payapa. Buong dignidad nyang tinanggap ang kamatayan sa
kaloobang
nakita nya na natupad nya ang kanyang layunin, bihira ang mga taong
namamatay
na natupad ito kahit man lang nakita ito.

Sa kanyang mga huling sandali, ipinaubaya ni Rizal ang kanyang buhay
sa
pag-aalala ng kanyang mga nagawa. Nais nyang kilalanin sya higit sa
lahat
bilang isang taong ibinigay ang sarili sa bayan. Bayani man o hindi ang
mahalaga ay bigyang saysay ang kanyang mga nagawa at kung posible ay
tularan
ito ng kanyang mga kababayan. Kapayapaan laban sa karahasan, pag-ibig
tungo sa
kalayaan.

Sinasalamin ng tula ang kanyang wagas na pag-aalay sa kanyang buhay
para sa
kalayaan ng Inang Bayan. Isa itong kulminasyon sa kadakilaan nya at sa
mga
minithi nya mula noong sya ay namulat sa mundo at sa lipunan. Ito ang
kanyang
panghuling mensahe sa kapwa Pilipino ukol sa paghahangad ng kasarinlan,
pakikipaglaban para sa kapayapaan at kung ito ma'y makamit ay
pangangalagaan ng
kahit pa pagbubuwis ng sariling buhay.

6 Comments:

Blogger kEnZ"Lj" said...

hMmp...... ganda nMn

5:19 AM  
Blogger mara said...

bakit pho wlang
(Un Recuerdo A Mi Pueblo)

10:37 PM  
Blogger mara said...

sana pho isana niu pha laht ng mga poems nia,, at kung bkit nia ito isinulat at pra saan ito.. sana pho masagutan niu agad,,, salamta pho in advance

10:38 PM  
Blogger mara said...

god bless

10:39 PM  
Blogger Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
Contact Number: 09465046302
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

4:43 AM  
Anonymous Anonymous said...

good analysis! thank you

2:16 AM  

Post a Comment

<< Home