Sunday, May 08, 2005

A LA JUVENTUD FILIPINA

Ang tulang ito ay ginawa ni Rizal noong 1879 sa gulang na 18 taon, para sa isang contest na ginanap ng Liceo Artistico-Literario. Na impress ang mga Espanyol na hurado sa kanyang nagawa kung kaya’t nanalo siya ng first prize. Ang prize na ito ay isang “silver pen, feather-shaped and decorated with a gold ribbon.”

Sa tulang ito makikita kaagad sa unong taludtod ang ipinaparating na mensahe ni Rizal na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan, sa paggamit ng mga salitang “kabataan ng aking pangarap” at “pag-asa ng bayan”. Isinaad din nya na hinihintay niyang mangibabaw ang katalinuhan ng mga kabataan upang magtulong-tulong sa pagunlad ng bayan. Pinapayuhan din niya, sa ikatlong talata, na gamitin ng kabataan ang karunungan sa agham at sining upang makawala sa gapos na nagsisiil sa damdamin ng mamamayan.

Inihalintulad din nya ang himig ng kabataan sa boses ni Philomel na nakakapagpawi ng luha at hinagpis. Ang diwa at alaala ng kabataan ay siya ding gagamitin upang mapagtibay ang ating bayan, at ito ay walang kamatayang nakatanim sa puso ng kabataan. Parang pinapangaralan niya ang mga kabataang Pilipino na gamitin ang kanilang angking talino at nakamit na karunungan sa dalawang paraan: iangat ang Pilipinas upang tayo’y umunlad, at maging patriot ng bansang Pilipinas.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home